TurfSite Manila [Philippines]

Internet + Computer = Life!

TurfSite Manila [Philippines] - Internet + Computer = Life!

Ako’y Isang Mabuting Pilipino

Here’s a song from Noel Cabangon. The video was taken during the inaugural of President Nonoy Aquino and Vice-President Jojo Binay last 30 Jun 2010. Listen (or read through) the lyrics. Makes you proud to be a Filipino.

Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang Bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Tumatawid ako sa tamang tawiran
Sumasakay ako sa tamang sakayan
Pumipila at hindi nakikipag-unahan
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan.

Bumababa at nagsasakay ako sa tamang sakayan
‘Di na makahambalang parang walang pakialam.
Pinagbibigyan ko ang mga tumatawid sa kalsada
Humihinto ako kapag ang ilaw ay pula.

‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

‘Di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay
Tiket lamang ang tinatangap kung binibigay
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno.

‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan.
‘Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan
Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan
Inaalagan ko ang aking kapaligiran

‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin

Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang
Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan
‘Di ako gumagamit ng bawal na gamot
O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y di pumapasok

Pingtatanggol ko ang aking karangalan
‘Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan
‘Di ko binebenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko’y aking pinahahalagahan.

‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan
Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan
‘Di ko binubulsa ang pera ng bayan

Pinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino
Mga karapatan nila’y kinikilala ko
Ginagalang ko ang aking kapwa tao
Pinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko.

‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin.

Ako’y isang mabuting Pilipino
Minamahal ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino.

Share this:
Category: Music

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*